Dahil sa pisikal at demograpikong kondisyon ng arkipelago nagtagumpay ang mga Espanyol na masakop ang mga naninirahan sa "coastal areas" sa Luzon at Visayas. Isa pa sa mga naging dahilan sa marupok na pundasyon sa paglaban ng mga Pilipino laban sa paglaganap ng kolonisasyon ay ang kakulangan ng pagkakaunawa ng mga katutubo sa tunay na motibo ng pagdating ng mga naturang dayuhan sa bansa. Nagkaroon ng epektibong kontrol ang mga Espanyol sa mga lugar kung saan naninirahan ang na kararaming tao. Samantala nanatiling malaya ang mga tao sa rural o sa mga mabundok na rehiyon sa Luzon hanggang sa kalagitnaan ng ika-labingwalong dekada.
- 3 "Response" ng mg Pilipino sa Pamamalakad ng mga Espanyol
Oposisyon ng mga "Moros"
1. Nang dumating si Magellan noong 1521, ang mga sultanates ng Sulu at Maguindanao ay nagpapalaganap ng kanilang impluwensiya sa hilagang bahagi sa baybay-dagat na lugar ng arkipelago kung saan naninirahan ang ibang mga katutubo.
2. Sa panahon ni Legaspi, ang malakas na pagtutol sa kanya ay nanggaling sa Manila kung saan ang namumuno ay isang prinsipeng Muslim, Rajah Soliman. Noong Mayo 23,1578, si goberbador-heneral Francisco de Sande matapos masakop ang sultanato ng Borneo ay ipinadala si Kapitan Esteban Roriguez de Figueroa para masakop ang isla ng Sulu at Maguindanao. Ito ang naging hudyat ng simula ng pananakop sa Mindanao. Subalit ang de Figueroa ay nagtagumpay na maipasailalim ang Sulu sa Espanya at ipinagkasundu na magbayad ng "tribute" sa Espanya. Subalit, nabigo siya na masakop ang Maguindanao dahil nagkulang siya sa probisyon at hindi nakapasok sa Rio Grande ng Mindanao. Nagpatuloy ang mga Maguindanaos at Joloans sa paglaban sa kolonisasyon hanggang sa ika-16 century.
3. Sultan Kudarat
Sa kasagsagan ng Digmaang Moro laban sa pamumuno ng mga Espanyol noong ika-labimpitong sentenaryo, si Kudarat, sultan ng Maguindanao ay matibay na tumayo sa lahat ng mga nakikipagalaban para sa kalayaan. Sa pagdating nga mga Espanyol, mayroong hidwaan sa pagitan ng sultan ng Sulu at Maguindanao. Ang kampanya ng mga kolonyalista laban sa kanila ay nagbunga sa kanilang pagkakasunduan at pagkakaisa kasabay nito ang pagdeklara ng "jihad" o "holy war" laban sa mga mananakop at mga Kristiyanong Indiyo. Isa sa mga pangunahing kinahantungan nito ay ang madalas na mga "raids" na isinagawa ng mga Moros sa mga Kristiyanong bahagi ng Bisayas. Si Kudarat ay ang naging pinuno sa pakikipaglaban at isang magaling na politiko na nagtagumapay na mapagkaisa ang mga Muslim upang labanan ang mga Espanyol sa pamamagitan ng pagpapangibabaw ng damdaming nasyonalismo at ang paghayag sa kanila sa totoong nangyayari sa kanilang bansa nang mga panahong iyon na maaaring maging hudyat ng pagbagsak ng kanilang kalayaan.
4. Kung hindi dahil sa padating ng mga Espanyol maaaring ang bansa ay napasailalim na sa impluwensya ng Islam.
B. Escape (Pagtakas)
1. Ang ibang mga tao ay naglipana papunta sa matataas na lugar upang matakasan o maiwasan ang impluwensiya ng mga Espanyol. Samantala naman ang iba ay sumunod dahil sa eksploytasyon at kawalan ng katarungan ng mga Espanyol.
2. Sa pagdaan ng panahon, lumaki ang bilang nga mga taong nanirahan sa mga bundok kung saan hindi sila napunta sa pamumuno ng mga Espanyol bagkus ay napanatili nila ang kanilang kultura.
3. Dahil sa mas malaki ang bilang ng mga nasakop kaysa sa mga nanatiling malaya, ang huling nabanggit ay tinatawag sa kasalukuyan na "cultural minority".
C. Acceptance (Pagtanggap)
1. Karamihan sa mga tao ay napasailalim sa pamumuno ng mga Espanyol kaysa sa mga nakatakas . Sila ang nakaranas sa malawakang pang-aabuso at korapsiyon ng mga kolonyalista. Nawalan sila ng kalayaan kahit sa anuman aspeto ng lipunan. Kahit pa man nagkaroon ng representasyon ang isang Pilipino sa isang posisyon ay nanatili pa rin ang masamang epekto sa mga tao dahil ang kanilang mga ipinatutupad na mga batas ay para lamang sa pansariling kapakanan ng mga Espanyol. Ang naturang malawakang eksploytasyon ay nakaapekto sa socio-ekonomiko, politikal, edukasyon, socio-kultural lalo na sa relihiyon.
-pinalabi-
No comments:
Post a Comment