Noong ika-15 sintenaryo ang ating bansa ay nasakop ng mga Espanol tanging ang mga Moro lang ang hindi sumang-ayon sa pananakop ng mga Pilipino at sila lang ang hindi naging mga Kristiyano, nanatili pa rin silang Muslim. At dahil ito sa mga ginawa nila upang mapangalagaan ang kanilang kultura at relihiyon. Nang dahil sa takot na sila ay sugurin ng mga Espanol ay inunahan nila ang mga Espanol sa balak nilang pag-atake. Gamit ang mga Vinta pa punta sa mga coastal colonized towns ay niraid ng mga Moro ang ilang mga lugar na nasailalim na ng Espana. At dahil sa pang-riraid ng mga Moro ay napilitan ang mga Espanol na tanggapin ang katotohana na di nila kayang sakupin at gawing mga Kristyano ang mga Moro. Dahil kung magpapatuloy lang sila ay reresulta lang yun sa bankruptcy.
Dahil hindi nasakop at naimpluwensyahan ng mga Espanol ang mga Moro ay nagkaroon ng malaking pagkakaiba ang mga Muslim na Pilipino at mga Kristiyanong Pilipino. Nang dahil sa relihiyon ay nagkaroon ng mga pagkakaiba ng mga Pilipino at ang mga Muslim dito sa Pilipinas, hindi lang sa kultura at relihiyon kundi sa pananaw at pagiisip tungkol sa pag-unlad nang ating bansa. At nang dahil sa mga pagkakaibang ito ay hindi tayo nagkaisa ito ang naging dahilan kung bakit tayo ay madaling nasakop ng mga Espanol noon at ito rin ang dahilan kung bakit bulok ang paraan ng pamumuno ng current na administrasyon.
Sa mga nababasa ko sa internet ay halos lahat ay nagsasabi na kaya daw nais na ng mga Muslim na humiwalay na sa Pilipinas ay dahil sa hindi sila natutuwa sa pagiging Pilipino. Dahil ayon sa kanila kapag sinabing Pilipino ay tinutukoy lang nito ang mga Pilipinong tumanggap sa kultura, relihiyon, at pananakop ng mga Espanol noong unang panahon. Siguro ay nais nilang tamasain o maramdaman ang resulta ng pakikipaglaban ng kanilang mga ninunong Moro na isinalba ang kanilang at relihiyon. Hindi siguro nila matanggap na ang pakikipaglaban ng kanilang mga ninuno noon sa mga Espanol ay hindi nakaapekto sa lahat ng mga Pilipino sa Pilipinas noon.
Ipinapakita lang nito na ang pag-uugali ng mga Muslim sa Pilipinas noon at ngayon ay pareho lang, nais nilang manatiling puro ang kanilang kultura. Napag-alaman ko na merong isang Isalamic missionary na si Karim ul' Makhdum ang nagdala ng Islam sa Pilipinas at napaisip ako bakit tinanggap nila ang relihiyong Islam na dala din nang isang dayuhan bakit di nila tinanggap ang relihiyong Kristiyano mula sa mga Espanol? Sa palagay ko ay nais nilang maging matapat sa relihiyong una nilang tinanggap. Hindi lang pagigging tapat sa isang relihiyon ang kanilang ipinakita kundi pati rin ang pagiging matapang nang dahil sa di sila natakot na lumaban sa mga Espanol na moderno ang armas. Di tulad ng ibang Muslim na Pilipino na napilitang maging Kristiyano ng dahil sa takot na saktan o patayin sila ng mga Espanol. Marahil ay ganito din sila ngayon sila ay nananatiling matapang. Dahil nais nilang humiwalay sa Pilipinas. Ngunit sa tingin ko di natin kailangan ng katapangan upang humiwalay sa isang bansang bulok ang pamamalakad. Ang kailangan nila ay maging self-sufficient sila o independent. At dahil nakamit na nila ang dalawang bagay na iyon ay nararapat lang na humiwalay sila sa Pilipinas kung nais nilang magkaroon nang pagbabago pagdating sa pamamalakad ng bansa.
Friday, August 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment