Sunday, August 17, 2008

Isang Tribo/Grupo sa Pilipinas na nakaiwas sa panankop ng mga Espanyol

"I am an Igorot. Let me be treated as I deserve – with respect if I am good, with contempt if I am no good, irrespective of the name I carry. Let the term , Igorot, remain and the world will use it with the correct meaning attached to it." – Dulnuan Maraming taong naninirahan sa bulubunduking Cordillera ang patuloy na nagsasabing ipinagmamalaki nila ang kanilang pagiging Igorot; ngunit habang ipinagsisigawan nila ang kanilang pagkatao, may iba naman na may ayaw dito.ano nga ba ang dahilan kung bakit ipinagmamalaki ng mga Igorot ang tawag sa kanila? At ano naman ang dahilan kung bakit may iba na ayaw magapatawag ng ganitong pangalan? Ayon sa itinala ng mga Espanyol, ang terminong “Igorot,” “Ygolotes” o “Ygorrotes” ay ginamit noong una sa pagtukoy sa mga taong nakatira sa bundok ng Hilagang Luzon kasama na ang mga probinsiya ng Pangasinan, Ilocos Sur, Benguet, Bontoc, at Ifugao. Ang ibig sabihin nito ay “mountaineer” na nangangahulugang “tao galing sa bundok”. Noong ikalawang siglo, dahil sa hindi matagumpay na pananakop ng mga Espanyol sa Bulubunduking Cordillera para makapangalap ng ginto hindi isinama sa pagtawag ng termimong “Igorot” ang mga taong nakatira malapit sa Cordillera. Sa halip ay pinangalanan sila ayon sa lugar na kanilang tinitarahan. Inilarawan ng mga misyonaryong Espanyol ang mga Igorot bilang taong katatamtaman ang kulay ng balat, malakas, maliksi, matapang at matalino. Tinangka ng mga Espanyol na sakupin ang bulubunduking Cordillera at ikontrol ang mga minahan dito, ngunit dahil sa matatarik na daanan at sa paglaban ng mga Igorot, hindi nila ito nagawa. Sa loob ng tatlong siglo mg pananakop ng Espanyol sa Pilipinas, nakipaglaban ang mga Igorot at matagumpay na naiwasan ang pag control ng mga Espanyol sa kanila na nkatulong para sa pagpapanatili ng kanilang kultura at tradisyon hanggang nagayon hindi gaya ng ibang grupo ng Pilipino na nag iba ang tradisyon at kultura ng sakupin na sila ng Espanyol. Habang may mga misyonaryong Espanyol na nagsusulat ng mga mabubuting bagay tungkol sa mga Igorot, mayroon naming iba na kabaligtaran ang sinusulat lalo na noong hindi nagawang sakupin ng mga Espanyol ang bulubunduking Cordillera na natataglay ng mga gintong deposito. Sa Philippine exposition sa Madrid at USA, namangha sila sapagkat nalaman nilang ang mga Igorot ay pinaniniwalaang mga “savages,dog-eating, naked, tatooed”,at iba pa, kung ikukumpara sa iba pang 36 na grupo sa Pilipinas. Dahil sa mga negatibong pananaw sa mga Igorot, ang ibang tao sa Cordillera na nakatikim sa paninirang ito galing sa mga “low-landers” ang umayaw na sa pagtawag ng pangalang “Igorot” Sa kasagsagan ng Philippine Revolution, malaki ang ngagawang tulong ng mga igorot sa pakikipaglaban sa ating bayan. Gaya ng kanilang ginawa sa mga Espanyol, naiwasan din nila ang pananakop nga mga Amerikano. “Many desperate acts of courage and heroism have fallen under my observation on many fields of battle in many parts of the world. I have seen last-ditch stands and innumerable acts of personal heroism that defy description, but for sheer breath-taking and heart-stopping desperation, I have never known the equal of those Igorots. Gentlemen, when you tell that story, stand in tribute to those gallant Igorots.- During World War II, General Douglas MacArthur singled out the Igorots for their bravery and heroism in the defense of the Philippines.”

-bituon-

No comments: