
Maraming paraan ang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas.Maraming nakitang kahinaan ang mga Espanyol sa mga katutubo at sinamantala nila ito.
May 600 na sundalong Espanyol lamang ang bumubuo sa hukbong sumakop sa Pilipinas,hindi kasama ang Mindanao at Sulu.Gayon pa man,nagawa nilang sakupin ang Pilipinas ng 333 taon.
Pagdating ng mga Espanyol,walang pagkakaisa ang mga Pilipino noon kahit na pinamumunuan ng kanilang datu o hari ang bawat katutubo.Wala silang pambansang institusyon tulad ng pamahalaan.Hiwa-hiwalay ang mga tribo at may sariling kalayan.Ang isang barangay ay ginagamit ng imga Espanyol sa pananakop sa ibang barangay .Ang mga Pilipino ay pinag-away-away nila.Isang halimbawa nito ay ang pagsama ng mga taga-Panay na mandirigma kay Martin de Goiti sa Labanan ng Bangkusay.
Wala ring pinuno na may malalakas na sandatahan di tulad ng mga pinunong Espanyol gaya nina Legazpi,Goiti at Salcedo.Meron mga espada,kanyon at iba pang armas ang mga Espanyol.Malakas din ang disiplina nila sa mga labanan at ito ay nakatulong.Maliban sa laban ni Lapu-lapu ay walang nagtagumpay na laban ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
Humanga rin ang iba sa mga katutubo sa paraan ng pamumuhay,gawi,at kaugalian ng mga Espanyol na unang natutuhan ng mga pinuno.Naengganyo sila ditto at sumunod din sila.Dahil dito,mas madali silang napasunod ng mga Espanyol.
Ang pinaka mabisang paraan ng mga Espanyol sa pagpapasunod sa mga katutubo ay angpagpapalaganap ng Kristiyanismo.Marami kasi pagkakahawig an gang Kristiyanismo sa mga katutubong relihiyon.Ilan sa mga ito ay ang pananalig sa makapangyarihang diyos,paniniwala sa espiritu at sa kapangyarihan ng kapngyarihan ng mga namayapang ninuno.Dahil dito madaling niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo,na nagging sanhi ng madali silang napasunod ng mga Espanyol.Dahil sa sumusunod ang mga katutubo sa mga Espanyol,hindi nagging mahirap para sa kanila na ipatupad ang kanilang mga patakaran at makuha ang kanilang layunin.Nagtagumpay sila at umabot nga ang pananakop nila ng 333 taon.Huli na ng maisip ng mga katutubo na nilinlang lamang sila at hindi na nila nabago anuman nabuo sa isip nila dahil sa mga Espanyol.Tuluyan nang naimpluwensiyahan ng mga Espanyol ang mga Pilipino bago na maging malaya sa kamay nila.
-malipay-