Si Dr. Jose Rizal ay hindi sumuporta sa rebolusyon. Tutol siya sa rebolusyon. Hindi niya gusto na umagos ang dugo mapalaya lang ang mga Pilipino sa kamay ng mapang-aping Espanyol. Ang nais lamang niya ay pagbabago sa paraan ng pamamahala at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Sumapi siya sa mga samahan ng mga propagandista.Kasama nina Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez-Jaena , pinamunuan nila ang Kilusang Propagandista na may layuning mabago ang kasamaan ng mga Espanyol sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Isinulat ni Jose Rizal ang Noli me Tangere at El Filibusterismo para maipahayag niya ang ninanais niyang reporma. Ang mga akda niyang ito ay nagpamulat sa mga Pilipino sa paninikil ng mga Espanyol. Sa Noli me Tangere,walang pakundangang inilantad ang kasamaang naghahari sa pamumuno ng mga Espanyol at sakit ng lipunan.Nais ni Rizal ng pagbabago sapamumuno at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Sa El Filibusterismo naman,inilantad naman niya ang kabulukan ng pamahalaan noong panahon ng mga Espanyol. Nais ni Rizal ng pagbabago sa mga kasamaang iyon na nakita niyang nararanasan ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng ipinaglalaban ni Jose Rizal at ng kanyang mga kasama na reporma, akala niya mapapalaya niya ang Pilipinas sa karahasan ng mga Espanyol. Nagkamali siya sa akala niya na mababago niya at ng kanyang mga kasama ang kalagayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan. Hindi nagtagumpay ang paraan nila.Nabigo ang samahang makamit ang mga layunin nila. Ang mga layunin nilang pagkakaisa, katarungan, pagsulong ng edukasyon, agrikultura at reporma sa pamahalaan ay hindi nakamit. Imbes na magbago, lalong walang nangyari lalo pa at may mga kasamahan sa Espanya ng mga prayle sa Pilipinas na pumigil sa anumang panukalang pagbabagong iniharap ng mga Pilipino sa Batasan ng Spain.
Ngunit bagaman nabigo si Jose Rizal at ang mga kasama niya, naipamalas ng mga Pilipino ang pagmamahal sa bansa.Dahil rin sa Kabiguang iyon, naitatag ang Katipunan, ang kilusang naniwala na hindi makukuha sa mapayapang paraan ang kalayaan ng Pilipinas. Ang Katipunan ay gumamit ng dahas at armas para sa ipinaglalabang kalayaan.
-malipay-
1 comment:
Tradisyunal ang inyong pagsagot sa katanungan. Namaay si Rizal na hindi klaro ang saloobin ukol sa rebolusyon ng mga Katipunero. Subali hindi matatawaran ang kanyang sakripisyo at naiambag sa pagkilos ng mga Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan.
Ang inyong marka para sa blog na ito ay 20/20 o 1.o. Magaling!
Post a Comment