Sunday, September 14, 2008
Karapat-dapat bang mamatay si Andres Bonifacio? Bakit?
Si Andres Bonifacio, ang dakilang tagapagtatag ng Katipunang nagbandila ng kasarinlan ng Pilipinas.Noong 1985 ay inihanda ni Bonifacio ang Katipunan sa pangyayaring magluwal ng pagkagulo. Nagpagawa siya ng mga gulok upang magamit sa paghihimagsik. Ang ilan sa mga Katipunero ay nag-umit naman ng mga rebolber sa bodegang ginagamit na lalagyan ng baril. Sa ganito'y nakalikom sila ng mga sandata upang mapantayan ang mga Espanyol. Mula ng itatag niya ng Katipunan hanggang sa sumiklab ang himagsikan ay si Bonifacio ang tunay na Supremo at kaluluwa ng kilusang may layong hanguin ang bayan sa kaalipinan. Utang sa kanya ang pagkakaroon ng himagsikan na sa kasaysayan ng Pilipinas ay siyang pinakamakulay at pinakamahalaga. Kung ating sisipiin ang bawat pangyayari ng mga sa rebolusyon mapapansin natin na bago pa man mapatay si Bonifacio ay may hidwaan na sila ni Aguinaldo sapagkat si Bonifacio ay napapabilang siya sa lipon ng Magdiwang at si Aguinaldo naman ay sa Magdalo. Nang si Aguinaldo ang mahirang na pangulo siya ang nag-utos na ipapatay si Bonifacio dulot na rin ng pagsulsol ng kanyang mga kalupon sa Magdalo. At si Bonifacio nga ay pinatay. Pagkatapos, ipinagpatuloy ni Aguinaldo ang rebolusyon at pagkatapos, ay nakipagkasundo sa mga Espanyol naman uli sa mga Espanyol sa pamamagitan ng Kasunduan sa Biak-na-Bato na nagbunsod ng pagtakas ni Aguinaldo at ng kanyang mga tauhan kung saan sila ya kusang tatakas at ang Espanya ay magbabayad sa mga rebelde ng halagang P800,000, na hulugan. Subalit ang mga rebelde ay hindi sumuko sa mga Espanyol bagkus ay ipinagpatulo nila ng Himagsikan. Makikita natin na si Emilio Aguinaldo ay walang tiwala sa sarili, ipinagpalit niya sa pera ang kahalagahan ng ipinundar na pagod ni Bonifacio upang mailunsad ang Katipunan at magbunsod ng rebolusyon. Ang kamatayan ni Bonifacio kung ating titingnan ay walang kahalagahan ating mga Pilipino kung sa pang-ibabaw lamang na aspeto ang ating titingnan hindi katulad ng pagkamatay ni Jose Rizal kung saan ito ay nakaapekto ng malaki sa mga tao at nag-isip ng mas mabuting hakbang upang matigil ang opresyon at diskriminasyon sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol. Subalit kung ating titingnan natin sa mas malalim na pananaw ang pagkamatay ni Bonifacio dapat nga tayong mas maghimagsik dahil ang taong naging utak sa paghihimagsik ay nawala na sapagkat maaari nating isipin ang maaaring mangyari kung siya man ay nanatiling buhay o talagang namatay ba. Kahit na kakarapot lamang ang pinag-aralan ni Bonifacio ay naisipan niya ang isang bagay na kahit si Rizal ay hindi magawa sapagkat ang kanyang pilit na itinataguyod ay ang pagiging soberanya ng Espanya sa pagtangkilik sa pag-asang may magagawa pa ang reporma para sa bayan. Ngunit wala pa ring nangyari subalit ito naman ay nagpamulat sa mga ilustrado sa realidad na dapat nilang malaman na nagbunsod naman din sa pagkabuo ng katipunan. Sa gayon ay may naitulong naman din ang mga naisulat nito para sa bayan. At kung siya man ay nabuhay pa ay maaaaring mas napaaga ang paglaya natin sa mga kolonyalista. Kung ating iisipin lamang ang kamatayan ni Bonifacio ay may kahalagahan at dapat na ipagdiwang tuwing ika-10 ng Mayo. Dapat ay tingnan natin ng mas malalim at ng mas malawak na pananaw ang kanyang mga nagawa para sa ating bayan. Kung ako man ay magpapasya para sa tadhana ng iba kagaya ng kay Andres Bonifacio, ako man ay tututol na siya ay hatulan ng ka kamatayan sapagkat hindi nararapat sa isang taong inosente at may magandang motibo para sa bayan ang dumanas ng pang-aalipusta mula sa kapwa niya kalahi bagkus ay dapat tayong makiisa sa kanyang hangarin na maipalaganap ang layunin ng Katipunan. Kung halimbawa, siya'y hindi namatay at nagkaisa silang dalawa ni Aguinaldo sa rebolusyon maaaring minsan lang tayong masasakop ng mga Espanyol at hindi na ng ibang mga kolonyalista. Ang ating kasarinlan ay hindi na muling pakikialaman ng mga banyagang bansa at siguro ang ating masalimuot na identidad ay mapapalitan ng isang kakaiba ngunit tunay na gawang Pilipino na may pagkakakilanlan sa buong mundo na walang kapareho ninumang kultura! Bakit hindi na lang hinayaan ni Aguinaldo na ipamalas ni Bonifacio ang kanyang hinahangad para sa bayan bagkus siya naman ang may tunay na adhikain na mapalaya ang bansa? Makikita natin mula sa repleksyon ng ating kasaysayan na ang pagkamatay ni Rizal at ni Bonifacio ay bunga ng kawalan ng hustisya sa isang lipunan, labis na opresyon, kawalan ng kridebilidad bilang isang bansang may kumakatawan sa isang pamunuan, diskriminasyon, at higit sa lahat ang mariing pagtatanggol ng pansariling kapakanan na makikita natin kay Aguinaldo na ipinagpalit ang pilipinas kapalit ng kanyang pagtakas.
-pinalabi-
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Mahusay, makulay na pagpapaliwanag, at makahulugan. Hindi man nasasapat ang titulong bayani at mga parangal paa sa ating bayani, si Bonifacio ay mananatiling, haligi ng rebolusyon, ang pangakong kahit kailan hindi papayag ang mga Pilipino na magpasakop sa mga dayuhan. ang kanyang mga sakripisyo bagamat hindi naisakatuparan ay naging dahilan naman upang maging malaya rin ang Pilipinas ilang dekada matapos ang kanyang pagkamatay.
Las Vegas Sands Casino - Play Online for Real Money
Las Vegas Sands is 제왕 카지노 one of the world's most septcasino sophisticated casinos. 1xbet It's owned and operated by MGM Resorts International and the world-famous Sands
Post a Comment