Thursday, October 9, 2008
Tuesday, October 7, 2008
HILL 522
Ang Burol ng 522 o Hill 522, isang burol ay maglagay na malapit ang gitna ng bayan, ay ang dakong mabagsik ng pinag aagawan ng labanan sa pagitan ng mga puwersang kakampi at mga Hapones sa panahon ng World War Two. Ang pangulong simbahan ng ukol sa pangulong bayan ng mga arsodyosesis, na hanapin sa kanan sa kabila ng kabahayan ng munisipyo ng Palo, ay gamitin din para sa isang ospital para sa mga nasugatan ng puwersang Pilipino at Amerikano. Isang alaala na ngayon ng tumayo sa mga dalampasigan ng dako ng saan ni MacArthur at ang kaniyang hukbong lumunsad, ukol sa dako o pook ng talastas bilang ang Liwasang MacArthur.
Ang Hill 522 o Burol ng 522 ay kilala din sa tawag na Guihangdan Hill na mula sa salitang waray na “hangad” o pagtingin sa taas. Ang taas nang Guihangdan Hill ay (522 talampakang pataas). Matatagpuan ito sa entrada nang pinakaunang naging malayang poblasyon nang Palo. At noong 1944 ay binombahan ito upang masira ang mga garrison na gawa nang mga Hapon yunit na artilerya. Nakita din naming ang mga lungga o tunnel na gawa nang mga Hapon, noong una ay akala naming puwede naming mapasok ang mga tunnel ngunit ayon sa mga nakatira malapit sa Hill 522 ay puno daw yung mga tunnel nang basura at ahas =(, kaya di naming na kuhaan nang litrato yung loob nang tunnel. Meron ding isang monument sa Hill 522 na ginawa daw ni Mie Prefecture.
Ang Guihangdan Hill ay matatagpuan malapit sa ilog na ang tawag ay Bangon, kung saan ang La Purisima shrine ay itinayo. Ang shrine na ito ay itinayo noong 1887 ng mga Espanyol para mapaalis ang mga masasamang ispiritu na pinaniniwalaang nagdudulot ng mga aksidente and pagkamatay sa teritoryo. Ang Hill 522 ay nagbibigay ng magandang tanawin ng Leyte Gulf kasama ang parteng timog kanluran ng Leyte. Nakakapagbigay din ito ng mga taimtim na saglit para sa repleksyon ng mga grupong manaliksik.
Sunday, September 14, 2008
Sa isang grupo ng mga rebolusyonaryo ngayon, ano ang iyong maimumungkahing pagbabago sa ating lipunan?
Napakarami nang problemang kinakaharap nang ating bansa ngayon. At ang isa sa mga problemang ito ay ang pinaka-nangangailangan nang solusyon: ang tiwaling pamumuno nang ating mga opisyal sa gobyerno. Siguro ay medyo imposible ang aking solusyon sa sa problemang ito sa panahon ngayon, ngunit sa tingin ko ay ang tamang paraan upang mapaliit ang katiwalian sa ating bansa ay ang ipaalam sa kanila kung gaano kalaki ang epekto nang kanilang ginagawa sa ating mga sibilyan. Tulad nang ginawa nang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal sa pamamagitan nang pagsusulat ay nagawa niyang ipaabot sa mga Espanyol ang kanyang opinion sa kanilang pamumuno nagawa rin niyang bigyan nang "sense of nationhood" ang mga kapwa niya Pilipino. Nararapat lang na siguraduhing maaalis ang katiwalian sa ating gobyerno sapagkat ang mga walang kasalanan ang napaparusahan tulad nang mga jeepney drivers na sobrang pagod sa pagtatrabaho ngunit di parin sapat ang kanilang kinikita upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya nang dahil sa labis na pagtaas nang presyo nang bilihin. Kung ating titingnan sa isang malawak na pananaw ang pagkakaroon ng mga pinunong sumusuporta sa baluktot na pamamalakad na magdudulot ng mas mataas na libel ng diskriminasyon at opresyon na maglulunsad ng isang mas matinding epekto kung ating susuriin ang lumalaganap na hindi pagkakapantay-pantay sa bawat aspetong bumubuo sa isang lipunan. Ang patuloy na paghahangad ng mga pinunong hindi nararapat sa kanyang posisyon ay mistulang isang pagsusumpa na mailagay ang ating kasarinlan at identidad sa rehas na maaring hindi mabuksan pa spagkat ito ay napapalibutan na ng isang masalimuot na paghahangad at pagtupad ng isang pansariling motibo lamang na magpaplubog sa kredibilidad ng pamunuan na mayroon tayo.
Karapat-dapat bang mamatay si Andres Bonifacio? Bakit?
Si Andres Bonifacio, ang dakilang tagapagtatag ng Katipunang nagbandila ng kasarinlan ng Pilipinas.Noong 1985 ay inihanda ni Bonifacio ang Katipunan sa pangyayaring magluwal ng pagkagulo. Nagpagawa siya ng mga gulok upang magamit sa paghihimagsik. Ang ilan sa mga Katipunero ay nag-umit naman ng mga rebolber sa bodegang ginagamit na lalagyan ng baril. Sa ganito'y nakalikom sila ng mga sandata upang mapantayan ang mga Espanyol. Mula ng itatag niya ng Katipunan hanggang sa sumiklab ang himagsikan ay si Bonifacio ang tunay na Supremo at kaluluwa ng kilusang may layong hanguin ang bayan sa kaalipinan. Utang sa kanya ang pagkakaroon ng himagsikan na sa kasaysayan ng Pilipinas ay siyang pinakamakulay at pinakamahalaga. Kung ating sisipiin ang bawat pangyayari ng mga sa rebolusyon mapapansin natin na bago pa man mapatay si Bonifacio ay may hidwaan na sila ni Aguinaldo sapagkat si Bonifacio ay napapabilang siya sa lipon ng Magdiwang at si Aguinaldo naman ay sa Magdalo. Nang si Aguinaldo ang mahirang na pangulo siya ang nag-utos na ipapatay si Bonifacio dulot na rin ng pagsulsol ng kanyang mga kalupon sa Magdalo. At si Bonifacio nga ay pinatay. Pagkatapos, ipinagpatuloy ni Aguinaldo ang rebolusyon at pagkatapos, ay nakipagkasundo sa mga Espanyol naman uli sa mga Espanyol sa pamamagitan ng Kasunduan sa Biak-na-Bato na nagbunsod ng pagtakas ni Aguinaldo at ng kanyang mga tauhan kung saan sila ya kusang tatakas at ang Espanya ay magbabayad sa mga rebelde ng halagang P800,000, na hulugan. Subalit ang mga rebelde ay hindi sumuko sa mga Espanyol bagkus ay ipinagpatulo nila ng Himagsikan. Makikita natin na si Emilio Aguinaldo ay walang tiwala sa sarili, ipinagpalit niya sa pera ang kahalagahan ng ipinundar na pagod ni Bonifacio upang mailunsad ang Katipunan at magbunsod ng rebolusyon. Ang kamatayan ni Bonifacio kung ating titingnan ay walang kahalagahan ating mga Pilipino kung sa pang-ibabaw lamang na aspeto ang ating titingnan hindi katulad ng pagkamatay ni Jose Rizal kung saan ito ay nakaapekto ng malaki sa mga tao at nag-isip ng mas mabuting hakbang upang matigil ang opresyon at diskriminasyon sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol. Subalit kung ating titingnan natin sa mas malalim na pananaw ang pagkamatay ni Bonifacio dapat nga tayong mas maghimagsik dahil ang taong naging utak sa paghihimagsik ay nawala na sapagkat maaari nating isipin ang maaaring mangyari kung siya man ay nanatiling buhay o talagang namatay ba. Kahit na kakarapot lamang ang pinag-aralan ni Bonifacio ay naisipan niya ang isang bagay na kahit si Rizal ay hindi magawa sapagkat ang kanyang pilit na itinataguyod ay ang pagiging soberanya ng Espanya sa pagtangkilik sa pag-asang may magagawa pa ang reporma para sa bayan. Ngunit wala pa ring nangyari subalit ito naman ay nagpamulat sa mga ilustrado sa realidad na dapat nilang malaman na nagbunsod naman din sa pagkabuo ng katipunan. Sa gayon ay may naitulong naman din ang mga naisulat nito para sa bayan. At kung siya man ay nabuhay pa ay maaaaring mas napaaga ang paglaya natin sa mga kolonyalista. Kung ating iisipin lamang ang kamatayan ni Bonifacio ay may kahalagahan at dapat na ipagdiwang tuwing ika-10 ng Mayo. Dapat ay tingnan natin ng mas malalim at ng mas malawak na pananaw ang kanyang mga nagawa para sa ating bayan. Kung ako man ay magpapasya para sa tadhana ng iba kagaya ng kay Andres Bonifacio, ako man ay tututol na siya ay hatulan ng ka kamatayan sapagkat hindi nararapat sa isang taong inosente at may magandang motibo para sa bayan ang dumanas ng pang-aalipusta mula sa kapwa niya kalahi bagkus ay dapat tayong makiisa sa kanyang hangarin na maipalaganap ang layunin ng Katipunan. Kung halimbawa, siya'y hindi namatay at nagkaisa silang dalawa ni Aguinaldo sa rebolusyon maaaring minsan lang tayong masasakop ng mga Espanyol at hindi na ng ibang mga kolonyalista. Ang ating kasarinlan ay hindi na muling pakikialaman ng mga banyagang bansa at siguro ang ating masalimuot na identidad ay mapapalitan ng isang kakaiba ngunit tunay na gawang Pilipino na may pagkakakilanlan sa buong mundo na walang kapareho ninumang kultura! Bakit hindi na lang hinayaan ni Aguinaldo na ipamalas ni Bonifacio ang kanyang hinahangad para sa bayan bagkus siya naman ang may tunay na adhikain na mapalaya ang bansa? Makikita natin mula sa repleksyon ng ating kasaysayan na ang pagkamatay ni Rizal at ni Bonifacio ay bunga ng kawalan ng hustisya sa isang lipunan, labis na opresyon, kawalan ng kridebilidad bilang isang bansang may kumakatawan sa isang pamunuan, diskriminasyon, at higit sa lahat ang mariing pagtatanggol ng pansariling kapakanan na makikita natin kay Aguinaldo na ipinagpalit ang pilipinas kapalit ng kanyang pagtakas.
-pinalabi-
Saturday, September 13, 2008
Jose Rizal: Sang-ayon O Tutol ba sa Rebolusyon?
Si Dr. Jose Rizal ay hindi sumuporta sa rebolusyon. Tutol siya sa rebolusyon. Hindi niya gusto na umagos ang dugo mapalaya lang ang mga Pilipino sa kamay ng mapang-aping Espanyol. Ang nais lamang niya ay pagbabago sa paraan ng pamamahala at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Sumapi siya sa mga samahan ng mga propagandista.Kasama nina Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez-Jaena , pinamunuan nila ang Kilusang Propagandista na may layuning mabago ang kasamaan ng mga Espanyol sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Isinulat ni Jose Rizal ang Noli me Tangere at El Filibusterismo para maipahayag niya ang ninanais niyang reporma. Ang mga akda niyang ito ay nagpamulat sa mga Pilipino sa paninikil ng mga Espanyol. Sa Noli me Tangere,walang pakundangang inilantad ang kasamaang naghahari sa pamumuno ng mga Espanyol at sakit ng lipunan.Nais ni Rizal ng pagbabago sapamumuno at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Sa El Filibusterismo naman,inilantad naman niya ang kabulukan ng pamahalaan noong panahon ng mga Espanyol. Nais ni Rizal ng pagbabago sa mga kasamaang iyon na nakita niyang nararanasan ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng ipinaglalaban ni Jose Rizal at ng kanyang mga kasama na reporma, akala niya mapapalaya niya ang Pilipinas sa karahasan ng mga Espanyol. Nagkamali siya sa akala niya na mababago niya at ng kanyang mga kasama ang kalagayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan. Hindi nagtagumpay ang paraan nila.Nabigo ang samahang makamit ang mga layunin nila. Ang mga layunin nilang pagkakaisa, katarungan, pagsulong ng edukasyon, agrikultura at reporma sa pamahalaan ay hindi nakamit. Imbes na magbago, lalong walang nangyari lalo pa at may mga kasamahan sa Espanya ng mga prayle sa Pilipinas na pumigil sa anumang panukalang pagbabagong iniharap ng mga Pilipino sa Batasan ng Spain.
Ngunit bagaman nabigo si Jose Rizal at ang mga kasama niya, naipamalas ng mga Pilipino ang pagmamahal sa bansa.Dahil rin sa Kabiguang iyon, naitatag ang Katipunan, ang kilusang naniwala na hindi makukuha sa mapayapang paraan ang kalayaan ng Pilipinas. Ang Katipunan ay gumamit ng dahas at armas para sa ipinaglalabang kalayaan.
-malipay-
Sunday, August 17, 2008
ANG PINAKAMABISANG PARAAN NG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS
Maraming paraan ang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas.Maraming nakitang kahinaan ang mga Espanyol sa mga katutubo at sinamantala nila ito.
May 600 na sundalong Espanyol lamang ang bumubuo sa hukbong sumakop sa Pilipinas,hindi kasama ang Mindanao at Sulu.Gayon pa man,nagawa nilang sakupin ang Pilipinas ng 333 taon.
Pagdating ng mga Espanyol,walang pagkakaisa ang mga Pilipino noon kahit na pinamumunuan ng kanilang datu o hari ang bawat katutubo.Wala silang pambansang institusyon tulad ng pamahalaan.Hiwa-hiwalay ang mga tribo at may sariling kalayan.Ang isang barangay ay ginagamit ng imga Espanyol sa pananakop sa ibang barangay .Ang mga Pilipino ay pinag-away-away nila.Isang halimbawa nito ay ang pagsama ng mga taga-Panay na mandirigma kay Martin de Goiti sa Labanan ng Bangkusay.
Wala ring pinuno na may malalakas na sandatahan di tulad ng mga pinunong Espanyol gaya nina Legazpi,Goiti at Salcedo.Meron mga espada,kanyon at iba pang armas ang mga Espanyol.Malakas din ang disiplina nila sa mga labanan at ito ay nakatulong.Maliban sa laban ni Lapu-lapu ay walang nagtagumpay na laban ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
Humanga rin ang iba sa mga katutubo sa paraan ng pamumuhay,gawi,at kaugalian ng mga Espanyol na unang natutuhan ng mga pinuno.Naengganyo sila ditto at sumunod din sila.Dahil dito,mas madali silang napasunod ng mga Espanyol.
Ang pinaka mabisang paraan ng mga Espanyol sa pagpapasunod sa mga katutubo ay angpagpapalaganap ng Kristiyanismo.Marami kasi pagkakahawig an gang Kristiyanismo sa mga katutubong relihiyon.Ilan sa mga ito ay ang pananalig sa makapangyarihang diyos,paniniwala sa espiritu at sa kapangyarihan ng kapngyarihan ng mga namayapang ninuno.Dahil dito madaling niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo,na nagging sanhi ng madali silang napasunod ng mga Espanyol.Dahil sa sumusunod ang mga katutubo sa mga Espanyol,hindi nagging mahirap para sa kanila na ipatupad ang kanilang mga patakaran at makuha ang kanilang layunin.Nagtagumpay sila at umabot nga ang pananakop nila ng 333 taon.Huli na ng maisip ng mga katutubo na nilinlang lamang sila at hindi na nila nabago anuman nabuo sa isip nila dahil sa mga Espanyol.Tuluyan nang naimpluwensiyahan ng mga Espanyol ang mga Pilipino bago na maging malaya sa kamay nila.
-malipay-
Isang Tribo/Grupo sa Pilipinas na nakaiwas sa panankop ng mga Espanyol
"I am an Igorot. Let me be treated as I deserve – with respect if I am good, with contempt if I am no good, irrespective of the name I carry. Let the term , Igorot, remain and the world will use it with the correct meaning attached to it." – Dulnuan Maraming taong naninirahan sa bulubunduking Cordillera ang patuloy na nagsasabing ipinagmamalaki nila ang kanilang pagiging Igorot; ngunit habang ipinagsisigawan nila ang kanilang pagkatao, may iba naman na may ayaw dito.ano nga ba ang dahilan kung bakit ipinagmamalaki ng mga Igorot ang tawag sa kanila? At ano naman ang dahilan kung bakit may iba na ayaw magapatawag ng ganitong pangalan? Ayon sa itinala ng mga Espanyol, ang terminong “Igorot,” “Ygolotes” o “Ygorrotes” ay ginamit noong una sa pagtukoy sa mga taong nakatira sa bundok ng Hilagang Luzon kasama na ang mga probinsiya ng Pangasinan, Ilocos Sur, Benguet, Bontoc, at Ifugao. Ang ibig sabihin nito ay “mountaineer” na nangangahulugang “tao galing sa bundok”. Noong ikalawang siglo, dahil sa hindi matagumpay na pananakop ng mga Espanyol sa Bulubunduking Cordillera para makapangalap ng ginto hindi isinama sa pagtawag ng termimong “Igorot” ang mga taong nakatira malapit sa Cordillera. Sa halip ay pinangalanan sila ayon sa lugar na kanilang tinitarahan. Inilarawan ng mga misyonaryong Espanyol ang mga Igorot bilang taong katatamtaman ang kulay ng balat, malakas, maliksi, matapang at matalino. Tinangka ng mga Espanyol na sakupin ang bulubunduking Cordillera at ikontrol ang mga minahan dito, ngunit dahil sa matatarik na daanan at sa paglaban ng mga Igorot, hindi nila ito nagawa. Sa loob ng tatlong siglo mg pananakop ng Espanyol sa Pilipinas, nakipaglaban ang mga Igorot at matagumpay na naiwasan ang pag control ng mga Espanyol sa kanila na nkatulong para sa pagpapanatili ng kanilang kultura at tradisyon hanggang nagayon hindi gaya ng ibang grupo ng Pilipino na nag iba ang tradisyon at kultura ng sakupin na sila ng Espanyol. Habang may mga misyonaryong Espanyol na nagsusulat ng mga mabubuting bagay tungkol sa mga Igorot, mayroon naming iba na kabaligtaran ang sinusulat lalo na noong hindi nagawang sakupin ng mga Espanyol ang bulubunduking Cordillera na natataglay ng mga gintong deposito. Sa Philippine exposition sa Madrid at USA, namangha sila sapagkat nalaman nilang ang mga Igorot ay pinaniniwalaang mga “savages,dog-eating, naked, tatooed”,at iba pa, kung ikukumpara sa iba pang 36 na grupo sa Pilipinas. Dahil sa mga negatibong pananaw sa mga Igorot, ang ibang tao sa Cordillera na nakatikim sa paninirang ito galing sa mga “low-landers” ang umayaw na sa pagtawag ng pangalang “Igorot” Sa kasagsagan ng Philippine Revolution, malaki ang ngagawang tulong ng mga igorot sa pakikipaglaban sa ating bayan. Gaya ng kanilang ginawa sa mga Espanyol, naiwasan din nila ang pananakop nga mga Amerikano. “Many desperate acts of courage and heroism have fallen under my observation on many fields of battle in many parts of the world. I have seen last-ditch stands and innumerable acts of personal heroism that defy description, but for sheer breath-taking and heart-stopping desperation, I have never known the equal of those Igorots. Gentlemen, when you tell that story, stand in tribute to those gallant Igorots.- During World War II, General Douglas MacArthur singled out the Igorots for their bravery and heroism in the defense of the Philippines.”
-bituon-
-bituon-
Subscribe to:
Posts (Atom)