Sunday, September 14, 2008
Sa isang grupo ng mga rebolusyonaryo ngayon, ano ang iyong maimumungkahing pagbabago sa ating lipunan?
Napakarami nang problemang kinakaharap nang ating bansa ngayon. At ang isa sa mga problemang ito ay ang pinaka-nangangailangan nang solusyon: ang tiwaling pamumuno nang ating mga opisyal sa gobyerno. Siguro ay medyo imposible ang aking solusyon sa sa problemang ito sa panahon ngayon, ngunit sa tingin ko ay ang tamang paraan upang mapaliit ang katiwalian sa ating bansa ay ang ipaalam sa kanila kung gaano kalaki ang epekto nang kanilang ginagawa sa ating mga sibilyan. Tulad nang ginawa nang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal sa pamamagitan nang pagsusulat ay nagawa niyang ipaabot sa mga Espanyol ang kanyang opinion sa kanilang pamumuno nagawa rin niyang bigyan nang "sense of nationhood" ang mga kapwa niya Pilipino. Nararapat lang na siguraduhing maaalis ang katiwalian sa ating gobyerno sapagkat ang mga walang kasalanan ang napaparusahan tulad nang mga jeepney drivers na sobrang pagod sa pagtatrabaho ngunit di parin sapat ang kanilang kinikita upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya nang dahil sa labis na pagtaas nang presyo nang bilihin. Kung ating titingnan sa isang malawak na pananaw ang pagkakaroon ng mga pinunong sumusuporta sa baluktot na pamamalakad na magdudulot ng mas mataas na libel ng diskriminasyon at opresyon na maglulunsad ng isang mas matinding epekto kung ating susuriin ang lumalaganap na hindi pagkakapantay-pantay sa bawat aspetong bumubuo sa isang lipunan. Ang patuloy na paghahangad ng mga pinunong hindi nararapat sa kanyang posisyon ay mistulang isang pagsusumpa na mailagay ang ating kasarinlan at identidad sa rehas na maaring hindi mabuksan pa spagkat ito ay napapalibutan na ng isang masalimuot na paghahangad at pagtupad ng isang pansariling motibo lamang na magpaplubog sa kredibilidad ng pamunuan na mayroon tayo.
Karapat-dapat bang mamatay si Andres Bonifacio? Bakit?
Si Andres Bonifacio, ang dakilang tagapagtatag ng Katipunang nagbandila ng kasarinlan ng Pilipinas.Noong 1985 ay inihanda ni Bonifacio ang Katipunan sa pangyayaring magluwal ng pagkagulo. Nagpagawa siya ng mga gulok upang magamit sa paghihimagsik. Ang ilan sa mga Katipunero ay nag-umit naman ng mga rebolber sa bodegang ginagamit na lalagyan ng baril. Sa ganito'y nakalikom sila ng mga sandata upang mapantayan ang mga Espanyol. Mula ng itatag niya ng Katipunan hanggang sa sumiklab ang himagsikan ay si Bonifacio ang tunay na Supremo at kaluluwa ng kilusang may layong hanguin ang bayan sa kaalipinan. Utang sa kanya ang pagkakaroon ng himagsikan na sa kasaysayan ng Pilipinas ay siyang pinakamakulay at pinakamahalaga. Kung ating sisipiin ang bawat pangyayari ng mga sa rebolusyon mapapansin natin na bago pa man mapatay si Bonifacio ay may hidwaan na sila ni Aguinaldo sapagkat si Bonifacio ay napapabilang siya sa lipon ng Magdiwang at si Aguinaldo naman ay sa Magdalo. Nang si Aguinaldo ang mahirang na pangulo siya ang nag-utos na ipapatay si Bonifacio dulot na rin ng pagsulsol ng kanyang mga kalupon sa Magdalo. At si Bonifacio nga ay pinatay. Pagkatapos, ipinagpatuloy ni Aguinaldo ang rebolusyon at pagkatapos, ay nakipagkasundo sa mga Espanyol naman uli sa mga Espanyol sa pamamagitan ng Kasunduan sa Biak-na-Bato na nagbunsod ng pagtakas ni Aguinaldo at ng kanyang mga tauhan kung saan sila ya kusang tatakas at ang Espanya ay magbabayad sa mga rebelde ng halagang P800,000, na hulugan. Subalit ang mga rebelde ay hindi sumuko sa mga Espanyol bagkus ay ipinagpatulo nila ng Himagsikan. Makikita natin na si Emilio Aguinaldo ay walang tiwala sa sarili, ipinagpalit niya sa pera ang kahalagahan ng ipinundar na pagod ni Bonifacio upang mailunsad ang Katipunan at magbunsod ng rebolusyon. Ang kamatayan ni Bonifacio kung ating titingnan ay walang kahalagahan ating mga Pilipino kung sa pang-ibabaw lamang na aspeto ang ating titingnan hindi katulad ng pagkamatay ni Jose Rizal kung saan ito ay nakaapekto ng malaki sa mga tao at nag-isip ng mas mabuting hakbang upang matigil ang opresyon at diskriminasyon sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol. Subalit kung ating titingnan natin sa mas malalim na pananaw ang pagkamatay ni Bonifacio dapat nga tayong mas maghimagsik dahil ang taong naging utak sa paghihimagsik ay nawala na sapagkat maaari nating isipin ang maaaring mangyari kung siya man ay nanatiling buhay o talagang namatay ba. Kahit na kakarapot lamang ang pinag-aralan ni Bonifacio ay naisipan niya ang isang bagay na kahit si Rizal ay hindi magawa sapagkat ang kanyang pilit na itinataguyod ay ang pagiging soberanya ng Espanya sa pagtangkilik sa pag-asang may magagawa pa ang reporma para sa bayan. Ngunit wala pa ring nangyari subalit ito naman ay nagpamulat sa mga ilustrado sa realidad na dapat nilang malaman na nagbunsod naman din sa pagkabuo ng katipunan. Sa gayon ay may naitulong naman din ang mga naisulat nito para sa bayan. At kung siya man ay nabuhay pa ay maaaaring mas napaaga ang paglaya natin sa mga kolonyalista. Kung ating iisipin lamang ang kamatayan ni Bonifacio ay may kahalagahan at dapat na ipagdiwang tuwing ika-10 ng Mayo. Dapat ay tingnan natin ng mas malalim at ng mas malawak na pananaw ang kanyang mga nagawa para sa ating bayan. Kung ako man ay magpapasya para sa tadhana ng iba kagaya ng kay Andres Bonifacio, ako man ay tututol na siya ay hatulan ng ka kamatayan sapagkat hindi nararapat sa isang taong inosente at may magandang motibo para sa bayan ang dumanas ng pang-aalipusta mula sa kapwa niya kalahi bagkus ay dapat tayong makiisa sa kanyang hangarin na maipalaganap ang layunin ng Katipunan. Kung halimbawa, siya'y hindi namatay at nagkaisa silang dalawa ni Aguinaldo sa rebolusyon maaaring minsan lang tayong masasakop ng mga Espanyol at hindi na ng ibang mga kolonyalista. Ang ating kasarinlan ay hindi na muling pakikialaman ng mga banyagang bansa at siguro ang ating masalimuot na identidad ay mapapalitan ng isang kakaiba ngunit tunay na gawang Pilipino na may pagkakakilanlan sa buong mundo na walang kapareho ninumang kultura! Bakit hindi na lang hinayaan ni Aguinaldo na ipamalas ni Bonifacio ang kanyang hinahangad para sa bayan bagkus siya naman ang may tunay na adhikain na mapalaya ang bansa? Makikita natin mula sa repleksyon ng ating kasaysayan na ang pagkamatay ni Rizal at ni Bonifacio ay bunga ng kawalan ng hustisya sa isang lipunan, labis na opresyon, kawalan ng kridebilidad bilang isang bansang may kumakatawan sa isang pamunuan, diskriminasyon, at higit sa lahat ang mariing pagtatanggol ng pansariling kapakanan na makikita natin kay Aguinaldo na ipinagpalit ang pilipinas kapalit ng kanyang pagtakas.
-pinalabi-
Saturday, September 13, 2008
Jose Rizal: Sang-ayon O Tutol ba sa Rebolusyon?
Si Dr. Jose Rizal ay hindi sumuporta sa rebolusyon. Tutol siya sa rebolusyon. Hindi niya gusto na umagos ang dugo mapalaya lang ang mga Pilipino sa kamay ng mapang-aping Espanyol. Ang nais lamang niya ay pagbabago sa paraan ng pamamahala at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Sumapi siya sa mga samahan ng mga propagandista.Kasama nina Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez-Jaena , pinamunuan nila ang Kilusang Propagandista na may layuning mabago ang kasamaan ng mga Espanyol sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Isinulat ni Jose Rizal ang Noli me Tangere at El Filibusterismo para maipahayag niya ang ninanais niyang reporma. Ang mga akda niyang ito ay nagpamulat sa mga Pilipino sa paninikil ng mga Espanyol. Sa Noli me Tangere,walang pakundangang inilantad ang kasamaang naghahari sa pamumuno ng mga Espanyol at sakit ng lipunan.Nais ni Rizal ng pagbabago sapamumuno at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Sa El Filibusterismo naman,inilantad naman niya ang kabulukan ng pamahalaan noong panahon ng mga Espanyol. Nais ni Rizal ng pagbabago sa mga kasamaang iyon na nakita niyang nararanasan ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng ipinaglalaban ni Jose Rizal at ng kanyang mga kasama na reporma, akala niya mapapalaya niya ang Pilipinas sa karahasan ng mga Espanyol. Nagkamali siya sa akala niya na mababago niya at ng kanyang mga kasama ang kalagayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan. Hindi nagtagumpay ang paraan nila.Nabigo ang samahang makamit ang mga layunin nila. Ang mga layunin nilang pagkakaisa, katarungan, pagsulong ng edukasyon, agrikultura at reporma sa pamahalaan ay hindi nakamit. Imbes na magbago, lalong walang nangyari lalo pa at may mga kasamahan sa Espanya ng mga prayle sa Pilipinas na pumigil sa anumang panukalang pagbabagong iniharap ng mga Pilipino sa Batasan ng Spain.
Ngunit bagaman nabigo si Jose Rizal at ang mga kasama niya, naipamalas ng mga Pilipino ang pagmamahal sa bansa.Dahil rin sa Kabiguang iyon, naitatag ang Katipunan, ang kilusang naniwala na hindi makukuha sa mapayapang paraan ang kalayaan ng Pilipinas. Ang Katipunan ay gumamit ng dahas at armas para sa ipinaglalabang kalayaan.
-malipay-
Subscribe to:
Posts (Atom)